Isang Estudyanteng Nakapag-Tapos ng Engineer, Pinag-Malaki na sa Tagpi-Tagping Bahay sya Nakatira

Isang babaeng estudyante ang nakatira lamang sa tagpi-tagping bahay ngunit isa ng ganap na Engineer at proud itong ipinaskil ang kanyang tarpaulin ng kanyang pagtatapos sa harapan ng kanilang bahay.
Nakatira nga sa isang tagpi-tagping bahay ang Isang estudyante na si Crystalle Mae Manalo, ngunit hindi ito hadlang para makapagtapos sya ng pag-aaral at ngayon ay ganap na syang Engineer.

Nang makapasa ito sa Engineering Board Exam ay buong pagmamalaki nito na ipinaskil ang tarpaulin sa labas ng kanilang tahanan kahit nag-aalala ang kanyang lola dahil sa itsura ng kanilang bahay.

Ibinahagi ni Crystalle Mae sa isang post sa social media ang pag-aalala ng kanyang lola sa pagpaskil nya ng tarpaulin dahil tagpi-tagpi daw kasi umano ang kanilang bahay.
Kung ibang estudyante ay maaaring ikahiya ang ganitong sitwasyon ngunit si Crystalle ay ipinagmalaki nya na kahit tagpi-tagpi lang ang kanilang bahay ay nakapagtapos ito ng kolehiyo at ngayon ay ganap ng Engineer.
Narito ang naging pahayag ni Crystalle sa kanyang social media account.
Narito ang naging pahayag ni Crystalle sa kanyang social media account.
"Nanay: Okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpaulin mo? Makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?
Me: Nay, yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat, Nay...sa lahat."
Matapos nya itong ipost ay umani ito ng paghanga kay Crystalle dahil sa pagsusumikap nitong makapagtapos ng pag-aaral kahit na ganun ang kanilang sitwasyon sa buhay.
Si Crystalle ay nakapagtapos ng BS Mechanical Engineering sa Colegio de San Juan de letran-Calamba.
Lubos ding nagpapasalamat ang Lola ni Crystalle dahil nagpursigi ang kanyang apo sa pag-aaral at masayang-masaya ito na kahit br0ken Fanily ang kanyang apo ay matiyaga itong nag-aral ng mabuti.
No comments