any

Hit-and-Run Suspect sa Pagpanaw ni Renz Jayson Perez, Boluntaryong Sumuko




Boluntaryong sumuko sa tanggapan ni Mayor Isko Moreno ang hit-and-run suspect sa pagsagasa at pagpanaw ni Renz Jayson Perez sa Padre Burgos sa Maynila.

Matatandaan na nahit-and-run ang isang nurse na si Renz Jayson Perez, 23 taong gulang sa Pedro Burgos sa Maynila noong Agusto 23, habang papauwi ito sa kanila gamit ang bisikleta.





Matapos noon ay nagboluntaryong sumuko ang suspect sa tanggapan ni Manila City Mayor Isko Moreno, humihigi umano ito ng tawad sa nangyaring insidente.








Ayon sa suspect ay aksidente lang umano ang nangyari at handa niya umanong panagutan kung anumang kaso ang kanyang kakaharapin.




Source: GMA News

No comments