any

Hinihikayat ni Robredo ang gobyerno na bigyan ng P5,000 pamilyang Pilipino sa loob ng apat na buwan.


Hinihikayat ni Vice President Leni Robredo ang gobyerno na bigyan ng P5,000 sa loob ng apat na buwan ang mga pamilyang Pilipino na maituturing na mahirap upang matulungan silang bumangon sa perwisyong dulot ng pandemya.

Ito ay isa sa mga 11 rekomendasyon ng Bise Presidente sa administrasyong Rodridgo Duterte na kasalukuyan ngayong aligaga sa pagsalba sa bumababang ekonomiya ng bansa.



Sa isang video na ibinahagi ni Robredo sa Facebook, sinabi niya na aabot sa P200 billion ang gagastusin ng gobyerno para sa kaniyang cash aid proposal.

Critics hated on Robredo's FB Live look, the VP tells them to #supportlocal

"Mayroon nang Listahanan ang DSWD (Department of Social Welfare and Development) para matukoy sila. Kung mabibigyan ng P5,000 kada buwan para sa 4 na buwan ang 10 million poorest families, aabutin ito ng P200 billion. Maliit na halaga ito para mailigtas sila mula sa gutom," saad ni Robredo.

Dagdag pa ng opisyal, maaari ding kunin bilang contact tracer ang marami sa 15 million katao na nasa listahan ng DSWD nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakakitaan ang mga Pilipinong hirap makahanap ng trabaho sa gitna ng pandemya.


No comments