any

Foreigner, Gusto ng Umuwi sa Denmark Matapos Lokohin ng Isang Pinay




Isang foreigner ang iniwan ng isang pinay matapos silang magpakasal at ubusin lahat ng pera at palayasin sa kanilang bahay.

Pumunta dito sa Pilipinas si Holger Solager na taga Denmark para pakasalan ang isang Pinay.

Ngunit pera lang pala ang habol sa kanya nito, inubos ang lahat ng kanyang pera at ang kanilang pinagawang bahay ay hindi pala sa kanya nakapangalan kaya pinalayas sya ng asawa nyang pinay. Ang Pinay na kanyang pinakasalan ay taga North Cotabato.


Apat na araw na umano itong na-stranded sa airport dahil wala syang pera para sa swab test at travel pass kaya naiwan umano sya ng byahe nya pauwi sana sa Denmark.

Sinubukan ni Solager na humingi ng tulong sa kanilang embassy ngunit pinalabas sya at di man lang umano pinakinggan.


Ngayon ay nasa airport ang foreigner at naghihintay ng tulong para makauwi na sa Denmark.

Narito ang kabuuang post ni Judy Ann Cinco sa kanyang FB account,

Nanghihingi po kami ng tulong sainyo nawa'y mapansin niyo. Ito po si Holger Solager galing sa Denmark. Pumunta po siya dito sa Pilipinas para pakasalan ang isang Pinay. Isang taon napo siyang nagistay dito. Sa kasamaang palad, inubos po ng babae ang kaniyang pera at iniwan. May pinapagawa rin po siyang bahay para sakanila ng babae pero kalaunan ay nalaman niyang hindi sakaniya ito nakapangalan at pinalayas pa siya ng babae. Taga North-Cotabato daw po ang kaniyang tinutukoy na babae. 

Apat na araw ma po siyang stranded sa airport dahil wala siyang swab test at travel pass at wala na rin po siyang natitirang pera kahit piso. Naiwan po siya ng flight niya pauwing Denmark. Sinubukan po niyang humingi ng tulong sa embassy nila ngunit pinalabas at hindi siya pinakinggan. 


Dahil dito, napilitan siyang matulog sa kalsada at may mga batang lumapit sakaniya at inalok siyang gumamit ng tablet para macontact niya ang mga kamaganak niya pero nagtangka lamang ang mga ito na siya ay pagnakawan. Bumalik po siya ng airport at dun po namin siya nakita. Wala na po siyang maayos na gamit at walang pera buti nalang at nagmagandang loob ang aking kaibigan na bigyan siya ng kaunting halaga. 

Nasa akin po ang kaniyang contact details at phone number sa kung sino man pong willing na tumulong sa kaniya. Sa ngayon, iniwan po namin siya sa airport na mag-isa. Please help us to mention #raffytulfoinaction para po sa agarang pagtulong.
Maraming salamat po.


Bago ko po siya pinicturan, hiningi ko po ang kaniyang approval na ipost ito.

#raffytulfo #help

Source: Facebook

No comments