any

DSWD, Target Tapusin ngayong Septyembre ang Pamamahagi ng 2nd Tranche ng SAP



Target tapusin ng DSWD ang pamamahagi ng 2nd tranche ng sa ngayong buwan ng septyembre.

Tatapusin na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ngayong Setyembre.


Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, ang nalalabing 600,000 na mga benepisyaryo ay makatatanggap ng ayuda na inilaan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.



Aniya, nasa 96% o 13.7 milyong benepisyaryo ang nakatanggap na ng SAP 2 na nagkakahalaga ng ₱82 bilyon hanggang nitong Setyembre 2.

Una nang nabigo ang DSWD na tapusin ang pamamahagi ng SAP 2 noong Agosto 15 dahil sa hindi nakumpletong uploading ng mga Social Amelioration Card (SAC) forms mula National Capital Region (NCR), Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.


Nabatid na mahigit 59,000 SAC forms pa ang hindi na-a-upload ng mga Local Government Unit (LGU) habang 82,000 na mga pangalan ng SAP 2 beneficiaries ang hindi pa nava-validate.

Source: RMN

3 comments:

  1. Sana po kami dito sa malitam Batangas city hindi pa kami nakatanggap ng 2nd tranche sana makatanggap na kami ngaun september..god bless u Dsdw..

    ReplyDelete
  2. Sana po maibigay nyo na sa Amin Yun 2nd trance na hinihintay nmin sa 183 barangay Pasay city

    ReplyDelete
  3. Sna po makakuha na ko ng 2nd trnche dto sa antipolo city

    ReplyDelete