DSWD, Kumpiyansa na Matatapos sa Katapusan ng Setyembre ang Pamamahagi ng SAP

Tiwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makukumpleto nila ang ikalawang tranche ng pamamahagi ng emergency cash subsidies sa ilalim ng Social Amelioration Program bago matapos ang buwan ng Setyembre.
Ayon umano kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nasa 13,908,438 SAP 2 beneficiaries ang nakatanggap na ng ayudang nagkakahalaga ng ₱83.1 billion.
Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD sa kanilang partner Financial Service Providers (FSP) para maresolba ang mga kaso ng failed transactional accounts ng mga benepisyaryo kasunod ng kabiguang pagbibigay ng kumpletong personal information.
Tiniyak umano ni Dumlao sa natitirang 209,519 beneficiaries na matatanggap nila ang kanilang ayuda.

No comments