DOH, Nagbabala na Mapanganib sa Kalusugan ang White Sand na Nilalagay sa Manila Bay



Nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) sa magiging epekto sa kalusugan ng tao ng dinurog na dolomite o ang artificial white sand na nilalagay ngayon sa Manila Bay na bahagi ng rehabilitasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa pahayag ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na base umano sa mga pag-aaral, kapag nasinghot ng tao ang pulbos ng dinurog na dolomite, maaari itong magdulot ng respiratory reactions.




Kapag napunta naman umanosa mata ang dinurog na dolomite ay maaaring magdulot ito ng irritation at kapag nalulon o nakain ay masama sa gastrointestinal system ng tao at maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan at diarrhea.



Kaya pinayuhan ng DOH ang publiko na magtutungo sa Manila Bay na sundin ang minimum health standards para makaiwas sa masamang epekto ng dolomite.


Source: RMN

1 comment:

  1. ALIN BA ANG MAS MAPANGANIB...UNG BASURA OR UNG DOLOMITE?

    ReplyDelete