DENR, Target Tapusin ang Phase 2 ng Rehabilitasyon ng Manila Bay Ngayong Taon


Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), target nila na tapusin ngayong taon ang Phase 2 ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sa pahayag ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Concerns Benny Antiporda, pursigido ang DENR sa kanilang pangako na kumpletuhin ang rehabilitation efforts sa Manila Bay kabilang ang beach nourishment project sa kabila ng maraming kritisismo.



Kabilang ito sa pagtalima na rin sa inilabas na Supreme Court Mandamus noong December 18, 2016 na nag-uutos sa 13 government agencies na linisin at ibalik sa dating anyo ang Manila Bay.

Sa ilalim ng Phase 2 na sinisimulan na ngayon ay ang Rehabilitation and Resettlement project ng DENR.


Kasama dito ang pag-aayos ng mga lumang sewer lines sa National Capital Region at ang relokasyon ng mga informal settlers lalo na ang mga nakatira sa gilid ng mga estero at iba pang daluyan ng tubig.

No comments