DENR, May mga Eksperto munang Nagpapayo Bago Simulan ang Proyekto tulad sa Manila Bay
Tiniyak ng DENR na may mga eksperto sila na nagpapayo sa mga proyekto na kanilang ipinatutupad gaya ng dolomite sand sa Manila bay.
Sa pahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, may mga eksperto ang ahensya na gumagabay sa kanila sa mga desisyon na patungo sa mga proyekto na kanilang ipinatutupad.
Ayon kay Benny Antiporda ay katulad ng ibang non-government organizations, may sarili rin silang eksperto na kanilang nakokonsulta para isaalang-alang ang aspetong kalusugan at historical sa anumang proyekto.
Pahayag pa ni Antiporda na mismong ang Department of Health ang nagtuwid na ang dolomite material na inilagay sa Manila Bay ay 100 times na mas malaki kaysa sa dust particle na sinasabing mapanganib sa dumaan sa konsultasyon sa kanilang sariling eksperto ang pagtambak ng white sand sa Manila Bay.
Source: Facebook
No comments