any

DENR, Gustong Palawakin ang Manila Bay Beach



Nais ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palawakin ang Manila Bay Beach at naniniwala sila na ang isinasagawang beach nourishment sa Manila Bay ay makakatulong para mapalawak ang naturang lugar.

Ayon sa Pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu, ang beach nourishment ay ang pagdadagdag ng white sand sa Manila Bay para maiwasan ang erosion at mapalapad ito.




Iginiit din ni Cimatu na kailangan umanong gawin ang beach nourishment sa Manila Bay lalo na hindi ikinokonsiderang prone sa coastal erosion ang lugar dahil protektado ito ng seawalls, pero makitid ang beach nito.

Ang white sand ay nakakadagdag sa aesthetic value ng Manila Bay at mahahalintulad ito sa mga beach ng Boracay at Panglao.




Ang dolomite sand o ground sand na ginamit sa proyekto ay hindi mapanganib sa kalusugan ng tao.

Aniya, wala itong silt at clay particles, at makapal kumpara sa natural sand.

Nagagawa ng dolomite sand na i-neutralize ang acid sa marine waters.

Source: Facebook

No comments