Bishop Broderick Pabillo | White Sand Project, Hindi bagay sa Kahirapang dulot ng Pandemya
Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo dahil umano napapanahon ang proyektong pagpapaganda at paglalagay ng white sand sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ng Obispo na hindi naaangkop na mas bigyang prayoridad at paglaanan ng pondo ang nasabing proyekto dahil marami ang dumaranas ng hirap at nagugutom sa epekto ng health crisis.
Sinabi rin ng Obispo na mas nararapat na ilaan ng Department of Environment and Natural Resources ang pondo sa pagkakaloob ng trabaho at pagkain sa mamamayang lubos na apektado ng pandemya.
“So ‘yan po'y marami pong mga hindi tama sa paggawa po ng project at lalung-lalo na sa'ting panahon ngayon na hindi angkop sa kalagayan ng ating bayan. Kaya kung ang DENR ay may pera, itulong nya sana sa mga pagbibigay ng trabaho, pagbibigay ng pagkain sa mga nangangailangan,”- dagdag ni pa nito.
Ipinaliwanag ng ni Bishop Broderick Pabillo na hindi rin nakatitiyak na ang nasabing white sand ay magtatagal at mapapanatili ang kagandahan ng Manila Bay dahil mapupuno lamang ito ng basura kapag sinalanta ng bagyo ang bansa.
“Hindi pa naman natin sigurado na ang white sand na ‘yan ay mananatili kasi alam naman natin na kapag t'wing bumabagyo ay talagang pinapasukan ‘yan ng lahat ng mga dumi so, pansamantala lang ‘yung kagandahan nyan.”- saad ni Bishop Pabillo.
Source: GMA
No comments