any

(DILG) Undersecretary Martin Diño' nagbabala sa mga kurap na kapitan at iba pang barangay officials.


Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño, bubusisihin ng ahensya ang mga kapitan at iba pang barangay officials at sisiguraduhing makukulong ang sinumang gumagawa ng anomalya sa pera ng bayan.

Ayon kay Diño, naglabas ng direktiba si DILG Secretary Eduardo Año sa 42,044 na baranggay sa buong Pilipinas na mag-conduct ng inventory para malaman kung saan dinala ng mga kapitan at iba pang mga opisyal ang pondo ng barangay.


"Dito makikita namin ang ghost delivery, ghost employee, ghost project, overpricing. Ngayon 'pinatitingnan ko na rin ang SALN ng mga barangay captain at meron kaming lifestyle check” saad ni Diño.
Babala ni Diño, mananagot ang mga tiwaling opisyal at sa loob na ng kulungan ang kababagsakan.

“Labas kayo nang labas ng pera baranggay tapos 'yung liquidation, ngayon bubusisihin namin lahat 'yan at sisiguraduhin namin na makukulong kayo 'pag magnanakaw kayo. Hindi lang kayo matatanggal sa pwesto, pera ng baranggay 'yan, kaban ng bayan 'yan ipinagkatiwala sa inyo 'yan pagkatapos nanakawin niyo ang kaban ng bayan, ang kaban ng barangay?” dagdag pa ni Diño

Ayon kay Diño, kinakailangan na may distribution list ang bawat baranggay at maging aktibo ang mga kagawad nito. Kung sinuman ang masasangkot sa katiwalian ay tiyak na masisibak sa pwesto at idedemanda ng ahensya.

No comments