any

Apat na Lalaki, Arestado Matapos Gumawa ng Prank sa Kalsada



Arestado ang apat na lalaki sa Valenzuela City matapos mag-prank kung saan isa sa kanila ang naka-silid sa sako at iniwan sa tabi ng kalsada para kunan ng video para umano i-post sa social media.

Ayon umano sa Valenzuela City Police Station, may isang concerned citizen ang nag-report na may nakita silang lalaki na isinilid sa sako at iniwan na lang sa isang kalsada sa Barangay Paso De Blas.





Nalaman ng mga Pulis na bukod pala sa lalaki na nasa sako ay may kasamahan pa pala itong tatlong lalaki na nagtatago upang kumuha ng video habang naka-sako ang isa nilang kasama.





Balak daw umano ng apat na lalaki na i-prank ang mga taong dumadaan para umano i-post ang kanilang video sa socila media.



Kakasuhan umano ang apat na lalaki ng alarm and sc@ndal at paglabag sa City Ordinance dahil sa social distancing at Quarantine Pass.



Source: Facebook

No comments