any

Alessandra de Rossi, May Pahayag tungkol sa Paglalagay ng White Sand sa Manila Bay




Nagbigay ng pahayag ang Aktres na si Alessandra de Rossi sa kanyang Twitter account tungkol sa paglalagay ng White Sand sa Manila Bay.

Ayon kay Alessandra ay noon pa umano ay maganda na ang Pilipinas at hindi na kailangan pang palitan ang kulay ng buhangin, wag lang daw umanong dumihan dahil marami diaper at bote ang kanyang napulot sa mga beach trips nya.




"Maganda ang pilipinas noon pa. Hindi kailangan palitan ang kulay ng sand. Kung white nilagay ni God doon, doon sya. Yung bato dito, hayaan nyo sya. Wag nyo lang dumihan. Marami na ako napulot na diaper at bote sa mga beach trips ko. Ayoko din ng basura." - saad ni Alessandra.



Sabi pa ni Alessandra na para lang umanong nireretoke ang Manila Bay, at kung ito ang ikakaganda nito ay ituloy lang ang pagreretoke.

"Parang retoke lang yan. You may get a nose or boob or whatever job, but if deep down inside you're still that same person, wag nalang. If it makes you a better person, by all means, do it! I go for retoke ng Manila Bay to fix what needs to be fixed!"- dagdag pa ni Alessandra.


"Nasira din lahat ng pansarili kong plano ko dahil sa covid noh. Pero, sya talaga ang dapat asikasuhin for me. Wala akong ibang dasal kundi mapabuti lahat, walang magkasakit at mamatayan at magutom. Pero okay naman ako kainin yung white sand. Basta okay ang lahat."- pahayag ng Aktres



Source: Twitter

No comments