any

97% na ang Napapamahagian ng 2nd Tranche ng SAP


Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot na sa 97% ang naipapamahagi sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa pahayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa pagdinig para sa 2021 national budget, sinabi nito na 97% na ang completion o accomplishment ng SAP distribution o 3% na lamang ay matatapos na nila ang pamamahagi nito para sa 14.1 million household na beneficiaries.





Sinabi nya na aabot sa ₱82.7 billion ang kanilang naipamahagi na 2nd tranche ng SAP sa pamamagitan ng direct payout at digital payment.



Sinabi naman ni DSWD Usec. Danilo Pamonag, hindi pa natatapos ang pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP dahil mayroon pang 18,000 pangalan na hinihintay pang ma-upload ng mga Local Government Units (LGUs) habang mayroon pang 70,000 ang naghihintay ng validation.

Source: Facebook

No comments