any

90 Milyong Pilipino, Target Mabigyan ng National ID bago Matapos ang Administrasyong Duterte




Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), target nila na mabigyan ng National ID ang 90 Milyong Pilipino mula edad 5 pataas bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 2022.

Sinabi ito ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa pagtalakay ng Seado sa 2021 budget para sa National Economic and Development Authority o NEDA na nagkakahalaga ng ₱11.17 billion.




Sa nasabing budget ay ₱8.5 billion ang nakalaan sa mga programa ng PSA kabilang ang National ID registration.

Ayon pa kay Chua ay ngayong taon ay 9 milyong mga Pilipino ang target na mairehistro ng PSA sa National ID System kung saan ang 5 milyon dito ay nabibilang sa low income households.



Inaasahan naman sa susunod na taon naman ang 45 milyong mga Pilipino ang mairerehistro kung saan kasama ang 10 milyong heads ng low-income households, habang sa taong 2022 naman irerehistro ang dagdag pang 42 milyong mga Pilipino.

Napag-usapan din sa Senate hearing na ang National ID na inaasahang magiging digital kalaunan ay magagamit sa pagbubukas ng bank account para sa ayuda na ibibigay ng gobyerno sa 14.8 milyong mga mahihirap na pamilya.

No comments