any

5-taong gulang na Bata, Umorder ng Maraming Pagkain sa Online



Isang 5-taong gulang na bata sa GenSan ang umorder at nagpadeliver ng pagkain online.

Nagulat ang mga magulang ng 5-taong gulang bata ng may kumatok sa kanilang bahay at may dalanag maraming pagkain, yun pala ay order ng kanilang anak sa online.

Habang abala ang mga magulang ni Gab-Gab na sina Angelito at si Michelle sa gawaing bahay ay hiniram ng kanilang anak ang Cellphone, umorder na pala ito ng mga pagkain sa food panda.




Ang order ni Gab-Gab ayon sa resibo ay dalawang buko juice, tatlong teriyaki chicken, dalawang bihon guisado, walong sweet and spicy chicken at isang cappuccino shake, inabot ang total bill ng order ay P1,147.90.




Ayon sa kwento ng mag-asawa ay nakikita ng bata na umo-order sila ng pagkain online gamit lang ang cellphone kaya naman ginaya ito ng bata.



Kaya para di na maulit at maiwan na ang pag-order ng kanilang anak sa online ay in-uninstall nila ang lahat ng food delivery sa kanilang cellphone.

Source: Facebook

No comments