any

Willie Revillame, Nangakong Magbibigay Muli ng Karagdagang P5M para sa mga Jeepney Drivers




Nangakong magbibigay pa si Willie Revillame ng karagdagang ₱5 million tulong sa mga PUJ driver na apektado ng community quarantine

Nangako ang television host na si Willie Revillame na muli siyang magbibigay ng tulong sa mga driver ng Public Utility Jeepney (PUJ) na apektado ng community quarantine.



Kasunod ito ng kaniyang pamamahagi ng sako-sakong bigas at ₱5 million donasyon sa 3,211 na driver sa Central Office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Willie, muli siyang mamimigay ng ₱5, milyon sa susunod na buwan para naman sa panibagong batch ng mga driver.




Ang tulong aniya niya para sa mga PUJ drivers ay mula sa kaniyang sariling ipon.

Nagpasalamat naman ang TV host sa LTFRB dahil sa naging maayos na sistema ng pamamahagi ng ayuda.

No comments