any

Watch! Tim Sawyer at china Nag away sa Livestream dahil sinosolo daw ni Tim ang pera na kinikita niya sa vlog!



Nag umpisa ang away kahapon matapos biglang mag live ang dating FHM model na si China upang ibuking diumano ang kalokohan ng kanyang partner na si Tim.

Ayon kay China , hindi sila nakakagawa ng video ngayon ni Tim dahil sa malaking problema nilang mag partner tungkol sa pera.

Ibinuking ni China na kumita daw ng milyon milyon ang kanyang asawa na si Tim sa mga vlog pero itinago daw nito ang perang ito sa kanya.

“Ang sabi niya kanina sa kanya lang daw ‘yung [pera] pinaghirapan niya daw ‘yon mag isa, wala daw akong karapatan doon, so bakit daw siya mag aambag dito sa bahay, bakit daw siya gagastos, bahay ko lang naman daw to, kotse ko lang naman daw to,” ani Roces.

Maririnig sa background na sumasagot si Tim at sinasabing sariling ‘page’ niya naman daw ang kumita ng ganong kalaking halaga.

Sinabi pa ni Tim na talo daw si China kahit anong mangyari kahit pa ikalat niya ito sa social media.

Pinagpatuloy ni China ang kanyang live sa mismong Facebook page ni Tim at may mga ibinuking pa ito tungkol sa kanyang partner.

Ayon kay China ay bumili daw ng bahay si Tim ng hindi niya alam at sinasabi daw nito nag naghahanda na itong iwan silang mag ina.

“Bumili siya ng bahay, bumili siya ng kotse, kasi ready na daw siyang iwan kami ni Timothy,”sabi ni China.

Mariin namang itinanggi ni Tim ang paratang sa kanya ng kanyang partner.

Pinaalala din ni Roces na sa apat na taon nilang relasyon ay siya ang bumuhay kay Tim at ngayong umaasenso na ang kanyang partner ay ang lakas na ng loob nito na iwan siya.

Nagbabalak daw diumanong makipag partner si Tim sa ibang babae para magkaroon ng bagong content niya sa vlog niya dahil ayaw daw nitong mabawasan ang ‘milyones’ na kinikita niya.

“Ngayon nanghihingi ako ng panggastos dito sa bahay binilhan niya ako, pero ganto ‘yon, magkano ‘yung kinita mo? Yung ibang vlogger, yung mga mag asawa hati pa sila eh,” saad ni China.

Naubos na rin daw ang savings ni China para mabili ang kasalukuyang tirahan nila at ngayon ay malalaman niya na sino-solo lang ng kanyang partner ang pera niya.

Nag kwento rin ito tungkol sa pambabae ni Tim habang siya’y nagbubuntis.

Hindi naman malaman kung ano ang kinahinatnan ng away ng mag partner matapos ng livestream nila.

Wala ring official statement si Tim na inilalabas hanggang sa ngayon.

1 comment: