any

Watch! Misis na buntis, huli si mister sa ilalim ng kama ni kabit !


Huli sa akto ang isang mister habang nagtatago sa ilalim ng kama ng kabit nito nang sugurin ni misis ang mga ito! Sa isang video na ibinahagi ni misis na si Josnel Cordova sa programa ni Raffy Tulfo, mapapanood pa ang mainit na eksena.


Noong una ay sinubukan pang itago ni kabit na si Danica Casilag si mister na si Generson Cordova mula kay legit. Ngunit dahil sigurado si misis na naroon ang asawa ay naghanap ito sa loob ng boarding house ni Danica at natagpuan nga si mister sa ilalim ng kama.


Yari ka! Misis na Buntis, huli si Mister sa Ilalim ng kama ni Kabit

Isang malakas na sampal ang ibinigay ni misis sa mister na hindi na rin naitanggi pa ang pakikiapid. Ayon kay misis, bago nangyari ito ay nagkaroon na sila ng pag-uusap sa barangay at nangako ang dalawa na tatapusin na ang lahat sa kanila.

Pero depensa ni Generson, maging si misis daw ay may ginawang milagro noon na mariin namang itinanggi ng una. Inakusahan pa ng lalaki na posibleng hindi niya anak ang dinadala ni Josnel na pitong buwan nang buntis.

 Dahil dito, hinikayat ni Tulfo ang dalawa na ipa-DNA test ang bata upang matapos na ang akusasyon ni mister. Samantala, hindi na rin itinanggi pa ni Danica ang relasyon nito kay Generson na nakapalagayan daw niya ng loob sa chat.



 Desidido naman si Josnel na sampahan ng kaso ang mister at ang kabit nito na kasamahan pa pala nito sa trabaho. Ang mga netizens naman, hindi naiwasang manggigil sa dalawa!

No comments