Vp Leni Robredo Binatikos ang panawagang Revolutionary Government! “Ang laking kalokohan niyan"
Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang panawagang “revolutionary government” ng isang grupo ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Robredo, malaking kalokohan ang revolutionary government na tila may layong itapon ang Konstitusyon.
Ipinagtataka din niya kung bakit imbitado sa aktibidad ang hepe ng Philippine National Police (PNP) na siyang dapat nagbabantay sa Konstitusyon.
Giit pa ng bise president, panira ang usaping ito sa mga ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

“Ang laking kalokohan niyan ka ely. Una, ang hinihingi dito, itapon ‘yung konstitusyon natin. D’yan pa lang, iligal na ‘yan. Ito yung panira talaga sa lahat ng ginagawa natin lalo na ngayong pandemic. ‘Yung lahat ng efforts natin dapat nasa COVID-19 pero ang pinag-uusapan natin Anti-Terror Bill, pagpapasara sa ABS [ABS-CBN], pag-ammend ng constitution, pagdeklara ng RevGov, federalism, maling-mali talaga siya,” ani Robredo sa programang
Kaugnay nito, hinimok ng bise presidente ang sinumang may awtoridad na ipatigil ang ganitong mga hakbang.
why is a error server
ReplyDelete