any

Vlogger na si Emman Nimedez, Pumanaw na



Pumanaw na ang Vlogger na si Emman Nimedez matapos makipaglaban sa sakit na Acute Myeloid Leukemia.

Noong Biyernes ay naging kritikal ang kondisyon ni Emman dahil sa kidney failure at komplikasyon sa dugo.

Nitong Mayo, Ibinahagi ni Emman sa kanyang Vlog na na-diagnose sya na mayroong Acute Myeloid Leukemia.


Sinabi ni Emman na ito ang pinakamalaking laban na kanyang haharapin, pero kailangan pa rin maging positibo.

“Ito na ‘yong pinakamatindi na laban na kakaharapin ko at sinasabi ko sa inyo ngayon, lahat ginagawa ko para manatiling matibay, maging handa at higit sa lahat, maging malakas kasi kailangan eh,”- saad ng namayapang si Emman.

"Hayaan niyo lang akong isama kayo sa laban na 'to para makita niyo lahat ng ibabato sa ating hamon, pagsubok, kakayanin. Basta diretso lang tingin natin sa buhay at tsaka positibo tayo,"- dagdag pa nito.


Nagsimula si Emman sa pag-gawa ng video sa Youtube noong 2011 at naging popular noong 2017 matapos mag-viral ang kanyang mga video.

Paalam Emman.

No comments