TINGNAN! | Pulis, Binayaran ang Balanseng Matrikula ng Nasitang Grade 12 student


Isang Grade 12 Student ang sinita dahil lumabag sa community quarantine, ngunit imbis na parusahan ay tinulungan pa ito ng pulis na nakahuli sa kanila.


Imbis na parusahan dulot ng paglabag sa community quarantine, tinulungan ng isang pulis-Tarlac ang sinita niyang Grade 12 student na gustong makadalo sa graduation noong Hulyo 24.

Sa Facebook post ng “Taga Tarlac Ka Kung,” sinabing nasita ng pulis na kinilalang si Master Sergeant John Hay Macapulay ang estudyante at menor de edad nitong kapatid sa isang checkpoint sa bayan ng Gerona. Bukod kasi sa magka-angkas ang dalawa, wala rin silang suot na helmet at dalang lisensya.

Nagmakaawa ang magkapatid kay Macapulay na huwag silang tiketan dahil nais lamang ng mag-aaral na mapanood ang mga kaklaseng magtatapos.

Paliwanag ng babaeng estudyante sa pulis, hindi raw siya kasama sa martsa bunsod ng balanse sa matrikula na nagkakahalagang P4,000.

Kumurot sa puso ni Macapulay ang kuwento ng mag-aaral kaya nagdesisyon siyang bayaran ang kulang nito sa pinapasukang eskuwelahan.

Hindi naman napigilan ng dalagita na maging emosyonal sa ipinakitang pagmamalasakit ng good samaritan cop.

“Maraming maraming salamat talaga po sakanya kasi kung hindi po sakanya di pa po talaga ako makaka-graduate. Hindi pa rin po sana ako makakapag-pasa nang requirements for college ko, stay safe po sa kanya lalo na po madaming tao siyang nakakasalamuha sa trabaho niya at sa pamilya niya. Sobrang swerte po nila kasi po busilak yung puso si Sir,”
mensahe ng senior high school graduate.


Habang isinusulat ang balitang ito ay umani na ng higit 10,000 reactions at libu-libong papuri sa social media ang nakaantig na istorya ni MSgt. Macapulay.

Narito ang buong post,

"Sya si Eunie Dizon Subaran, 19 taong gulang taga San Jose, Gerona, Tarlac, senior high school student nag-aaral sa New Christian Academy (Gerona Branch), at isang quarantine violator.

July 24, araw ng graduation ni Eunie, hindi raw talaga sya kasali sa lists sa kadahilanang may balance pa sa tuition at hindi pa nakakapag-bayad sa graduation fee.

Kasama ang kanyang kuya na menor de edad habang naka-single na motor, walang helmet at lisensya, binalak nila na sumilip sa school at nagbabakasakali si Eunie na isama sya sa graduation.


Dadaan sana sa isang supermarket papuntang school at makiki-usap na isama sya sa graduation ngunit may mga naka-tokang pulis sa daraanan nila.

Dahil maraming nilabag na batas sila Eunie, pinatawag sila ni PMSgt. Macapulay ng Gerona PNP. Ngunit imbis na tiketan at maparusahan, tinanong pa raw ni Sgt. Macapulay kung kumain na ang dalawang mag-kapatid.

“Nilibre niya po kami ng pag-kain, nag-mamakaawa po kami na wag na po niya kaming ticketan kasi po wala po talaga kaming pera then po habang kumakain kami nag kwekwento po siya about sa past life po niya then natanong po niya kami kung anong gagawin namin sa school”. Ani Eunie

Matapos ang usapan ng pulis at mga violator, nag-abot ng 3,900 si Sgt. Macapulay kay Eunie upang ipang-bayad sa kanyang balance at graduation fee. Pina-reschedule din ng pulis ang kanyang graduation kasama ang iba pang kaklase ni Eunie na ga-graduate.

“Nung nagbigay siya nang pera, sinamahan pa po mismo kami sa school para po malaman po kung ilan pa po balance ko”.

Hindi lang si Eunie ang unang beses tinulungan ni Sgt. Macapulay, talaga na raw tumutulong ito sa mga nangangailangan.

“Una po sa lahat maraming maraming salamat talaga po sakanya kasi kung hindi po sakanya di pa po talaga ako makaka-graduate. Hindi pa rin po sana ako makakapag-pasa nang requirements for college ko, stay safe po sakanya lalo na po madaming tao siyang nakakasalamuha sa trabaho niya at sa pamilya niya. Sobrang swerte po nila kasi po busilak yung puso si Sir. Sana po maging okay siya lagi at kumain sa tamang oras nakita ko po kasi di po siya kumakain ng kanin, meryenda lang po kasi tutok po siya sa trabaho at marami pa po sana siyang matulungan na taong nangangailangan kagaya ko po maraming salamat ulit po sakanya, sana sa mismong graduation ko po makaattend po sya” mensahe ni Eunie kay Sgt. Macapulay. | Admin Era"



4 comments:

  1. P/Msgt Macapulay is a good policeman in our town... I salute you sir for having a good heart... Godbless

    ReplyDelete
  2. P/Msgt.Macapulay...sir,i salute for having a good heart...binigyan mo ng pag asa ang isang studyante na makamtam ang kanyang pangarap..God bless po..

    ReplyDelete
  3. Bihira ang katulad mo sir. Patnubayan ka lagi ng Poong Maykapal.

    ReplyDelete