any

TINGNAN! | Kawani ng Barangay, Arestado matapos Magbenta at Mameke ng Travel Pass



Arestado ang kawani ng Barangay Official matapos nitong mameke at magbenta umano ng travel pass sa kanilang lugar.



Inaresto ang isang barangay official ng San Juan City nitong Linggo dahil umano sa pamemeke ng travel pass na kaniyang ibinebenta.

Kinilala ang suspek na si Leonardo Puno, 39 taong gulang, liason officer ng Barangay West Crame.

Ayon kay Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan Police, nagkasa sila ng operasyon laban dito matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang concerned citizen kaugnay ng iligal na gawain ng opisyal.


Nakumpiska kay Puno ang mga pekeng travel pass na ayon sa pulisya ay hindi nababasa ang QR code.

Aminado naman ang salarin sa nagawang krimen at sinabing may kakilala siyang gumagawa ng pekeng travel at quarantine pass na naka-destino sa Recto Avenue sa lungsod ng Maynila.

Hindi raw bababa sa 20 katao ang nabentahan niya ito. Mahaharap ang kawani sa kasong falsification of public documents.



Nilinaw naman ni Santos na tanging mga pulis lamang ang dapat maglabas ng travel authority.


Ito ang kabuuang post sa page ng San Juan City, Philippines,

San Juan City Police presented to Mayor Francis Zamora on August 3, 2020 at the San Juan Police Headquarters, the suspect in an alleged falsification of PNP travel authority.

The suspect, Leonardo Puno, 39 and the current liaison officer of Barangay West Crame, was arrested by the San Juan PNP on July 30 after responding to a call of an alleged selling of fake PNP travel authorities to people in the area of Road 2, Barangay West Crame, San Juan City. They found a barangay employee that matched the description of the suspect given by the anonymous caller. Recovered in the possession of the suspect were fake travel authority documents.



“Nakakaalarma po ang mga ganitong pangyayari lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan lahat ng pag-iingat at iba pang mga programa ay ginagawa ng pamahalaan upang mapigilan at masugpo na ang pagkalat ng COVID-19”, Mayor Zamora said.

Aside from the Falsification of Public Documents, the PNP is currently studying other possible charges that they may file against the suspect.


No comments