any

Suspek sa Pagpatay sa isang Dalagita sa Caloocan, Nahuli na!




Nahuli na ang suspek sa brutal na pagpatay sa isang dalagita sa Caloocan.

Kinilala ng Caloocan City Police ang suspek sa brutal na pagpatay kay Garlene Teria.





Ang dalagitang natagpuang nakadapa sa kanilang kama sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan at wala nang buhay. Nakatali ang mga kamay nito, binusalan ang bibig at nilaslas ang leeg.





Suspek sa krimen ang kaalitan ng kanyang ina at kapitbahay nila na si Diomedes Llames.


Agad na tinugis ng mga otoridad si Llames. Sinampahan ng kasong murder ang suspek at kasalukuyan siyang nakapiit sa Caloocan City Police Station Custodial Unit. Inaalam pa kung hinalay ng suspek ang biktima.




Ayon sa suspek, matapos ang pagtatalo nila ng ina ni Garlene na si Mary Jane, naisip niyang pasukin ang bahay nito at patayin ang kapitbahay. Pero wala raw sa loob ng bahay si Mary Jane at ang anak nito ang inabutan niya. Dito na raw niya naisip na pagbalingan ng kanyang galit ang dalagita!

No comments