any

Security Guard na Nagbibisekleta Gamit ang Maliit na Bike, Binigyan ng mga Pulis ng Mountain Bike



Isang Security Guard ang binigyan ng panibagong bisikleta ng mga Pulis na kanilang pinag-ambagan para mabilan ito.



Ayon kay Police Staff Sergeant Melvin Rogero ay napansin nila na araw-araw dumadaan sa kanilang Checkpoint ang Security Guard na si Victor de Guzman sakay ng maliit na bisikleta at pumapadyak ito ng 10 kilometro mula Santa Maria hanggang Norzagaray, Bulacan.



Dahil sa napansin ng Pulis na hirap ang Security Guard sa gamit nitong maliit na bisikleta ay naisip ng mga kasamahan nya na mag-ambagan para mabilan ito ng mas malaking bisikleta upang maging komportable ito sa pag bibisikleta.



Makikita sa larawan ang maliit na bisikleta na gamit ng sekyu na talagang mahihirapan sya dahil hindi ayon ang laki nya sa bisikletang gamit nya, kaya mas magiging komportable na sya dahil mas naaayon na sa kanya ang sukat na gamit nyang bisikleta.



Ito ang kabuuang Post sa FB Page,

Binigyan ng brand new bike ng mga pulis ng Santa Maria, Bulacan ang security guard na si Victor de Guzman na gumagamit ng kiddie bike papasok sa trabaho. 🚲


Sampung kilometro mula sa kanilang bahay sa Santa Maria hanggang sa trabaho niya sa Norzagaray, Bulacan ang ibinabiyahe ni de Guzman araw-araw gamit ang kiddie bike sa larawan. Kulang ito ng safety gear at tsinelas niya ang ginagamit niyang pang-break.

Napansin ni Police Staff Sergeant Melvin Rogero sa kanilang checkpoint na madalas na nahihirapan si de Guzman sa ganitong set-up, kaya naman sa tulong ng kanyang mga kaibigan, nag-ambagan sila ng pambili ng mountain bike para kay de Guzman.


📷: FB/Santa Maria PS

1 comment: