any

“Sa Halip na Matakot, Lalo tayong Tumapang.” - VP Leni sa Paggunita ng Ninoy Aquino Day




Nakiisa si Vice President Leni Robredo sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng Ninoy Aquino Day

“Sa halip na matakot, lalo tayong tumapang.”

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo sa paggunita ngayon ng Ninoy Aquino day.



Ayon kay Robredo, ito ang makabuluhang pag-alala sa kamatayan ng dating senador.

Ani Robredo, sa gitna ng kinakaharap ng bansa na kadiliman ng gabi, dapat na humugot ang bawat Pilipino ng inspirasyon sa tapang ni Ninoy.

Bagama’t nakulong at nawalay sa kaniyang pamilya, hindi kinakitaan ito noon ng panghihina ng paninindigan at pinanghawakan ang paniniwala na maglalaho rin ang dilim sa kalaunan.

Tulad aniya ni Ninoy, hindi siya bibitaw at magtitiwala sa Pilipino

Naniniwala siya na may magandang bukas na naghihintay sa mga Pilipino.

No comments