PNP-CIDG, Dumarami ang Reklamo sa Maanomalyang distribusyon ng SAP
Mahigit 300 na ang reklamong natanggap ng PNP-CIDG kaugnay sa maanomalyang distribusyon ng SAP cash aid.
Umaabot na sa 336 ang reklamong iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa maanomalyang distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) cash aid simula April 2020.
Karamihan sa mga inirereklamo ay elected public officials, mga Purok leaders, Brgy. Secretaries, health workers, social workers at sibilyan.
No comments