any

Pinay Caretaker, Niregaluhan ng Bahay at Lupa ng isang Hollywood Singer



Niregaluhan ng bahay at lupa ang isang Pinay na Caretaker ng ng isang Hollywood singer bilang dying wish ng lolo nya

Kahanga-hanga ang ipinakitang kabaitan ng Hollywood singer na si Michael Bublé sa isang pinay na nag-alaga sa kanyang lolo noong nabubuhay pa ito.

Binigyan ng bahay at lupa ng sikat na American singer ang pinay na si Minette na nagsilbi sa kanyang lolo bilang caretaker. Kinalaunan, naging kaibigan na ng yumaong si Demetrio, lolo ni Bublé, ang nabanggit na pinay.


Ayon sa isang ulat, makikita sa newest episode ng US show “Celebrity IOU” ang pagbigay kay Minette ng newly-renovated home sa Canada upang hindi na nya kailanganin pang magbayad ng renta.

Nagserbisyo ang US-based pinay sa lolo ng Hollywood singer sa loob ng walong taon.

Paliwanag ng singer, naaayon sa kagustuhan ng kanyang lolo ang ipagkaloob ang naturang bahay sa pinay na naging kaibigan na din ni Demetrio.

“I think my grandpa would be thrilled knowing that we could maybe lessen the burden a little bit in allowing Minette to continue helping her family without it being so hard on her.” saad ni Bublé.

Kwento pa ni Bublé, halos lahat ng kita ni Minette ay pinadala nya sa mga kapamilya nya sa Pilipinas.


Paglalarawan nya pa sa pinay, sya ay “really compassionate, kind empathetic human being with a great sense of humor, a great zest for life, who sort of never did anything for herself.”

Ibinahagi din nya kung gaano kabilis nagkasundo si Demetrio at Minette, kahit pa noong una ay hindi sya sang-ayon sa ideya nang pag-hire ng personal nurse. Pamilya na umano ang naging turing nila sa mapalad na pinay.

Ani Bublé, ang naturang Vancouver property na itinayo ng kanyang lolo “with his own two hands” noong 1970s ay napakalapit sa kanyang puso.


"The greatest moments of my life happened here. The songs I learned and the style of music I fell in love with, they all happened her.” pag-aalala nya.

Subalit nagpasya pa din syang ibigay ito kay Minette dahil alam nyang gusto ng kanyang lolo na tumira sya doon.

Nang ianunsyo sa maswerteng pinay na sya na ang nagmamay-ari ng bahay, ang tanging nasabi na lamang nito habang umiiyak sa tuwa ay “It is so much, really, really so much. I have no words right now. It hasn’t sunk in yet. It's beautiful, beautiful.”


No comments