any

PANOORIN! | 'Pinalaki ko sila, Pinabayaan nila ako'' - Ama, Nanlilimos na lang dahil Pinabayaan ng mga Anak



Isang matandang lalaki ang namamalimos ng piso-piso dahil di daw umano sya tinulungan ng kanyang mga anak kaya mas pinili nya na lang iyon para meron daw syang pambili ng bigas.

Ayon kay Tatay Eddy Gabriel ay mag-isa na lang umanong syang namumuhay.



Makikita sa video na inaaya si Tatay Eddy ng isang Vlogger na si Denso na kumain ngunit tinanggihan sya ng matanda at pinasalamatan na lang, Ayon kay tatay Eddy ay pang mayayaman lang daw umano ang kainang iyon.



Sabi pa ni Tatay Eddy, nasa Cotabato at Davao ang mga anak. Ayon pa sa matanda ay wala namang pakialam sa kanya ang kanyang mga anak kaya mas pinili nya na lang umanong mamalimos sa daan.

Dati raw itong karpintero ngunit malabo na daw ang kanyang mga mata kaya hindi na daw sya makapag-trabaho.

Ayon sa Volgger na si Denso ay babalikan nya umano ang matanda upang tulungan.


Ito ang kabuuang post,

''Pinalaki ko sila, pinabayaan nila ako'' mga salitang binitiwan ni tatay eddy na kumirot sa puso ko, wala tayong karapatan na husgahan ang kanyang mga anak hindi natin alam ang tunay na kwento sa likod nito, ganun pa man akoy isang ama din, at pinapanalangin ko sa DIOS ang aking mga anak na lumaki silang mabuting tao... tunghayan nyo po ang kwento ni tatay eddy.


1 comment:

  1. No comment dahil Wala along matulong dahil mahirap din ako salamat

    ReplyDelete