any

Paslit na Parking Boy, Binigyan ng Pagkain ang Isang Babae na hindi pa Kumakain dahil Iniintay nito ang kanyang Kasama



Isang paslit na Parking Boy ang nagbigay ng pagkain sa isang babae dahil mukhang nagugutom na ito dahil sa matagal na pag-iintay sa kanyang kasama.

Minsan, kung sino pa ang walang wala sa buhay sila pa ang nagbibigay at hindi madamot sa kapwa. Sila ang mas nakakaintindi sa sitwasyon na kinakaharap ng isang tao.


Katulad na lamang ng isang bata na ipinamalas ang kanyang busilak na puso at ngayon ay nag-viral na ang kanyang kwento sa social media.

Sa Facebook post ng netizen na si Joy Anne Vicente, ibinahagi nito ang kabaitan ng batang si Joshua habang naghihintay siya sa isang parking lot.


Aniya, sinamahan niya ang kanyang ina na mag-ayos ng mga dokumento sa OWWA. May kasama rin silang representative ng OWWA kaya nagpaiwan na lamang si Joy sa kanilang sasakyan.

Sinubukan rin daw manghingi ng 20 pesos ni Joshua kay Joy ngunit wala siyang maibigay dahil wala ang kanyang wallet kaya umalis na ang bata.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik nanaman si Joshua at may dala ng turon. Aniya, pambili sana ng ulam ang 20 pesos na hinihingi niya kanina.

Dito na nagulat si Joy at humanga sa kabutihang loob ng bata. Pinambili pala nito ng turon yung 10 pesos na ibinigay niya noong unang inassist siya ni Joshua sa pagpapark.




Ito ang kabuuang Post ni Joy Anne Vicente sa kanyang FB account,


As I post this, I'm still in the parking lot of R3 OWWA in Pampanga. We're here para mag-ayos ng docs. So nasa parking lang ako naghihintay (driver) tapos si Mama and yung OWWA representative na tumutulong samin from our Municipality yung pumasok sa loob ng building. We're here around 11am and it's 1:00pm and past lunch already.

Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nagpark. So nung aalis na yung nasa harapan ko, kinailangan kong lumabas na mauna to give way and this kid guided me. Inabutan ko lang sya ng barya and nagthank you ako. Mga 12:20, pumunta sya sa tabi ng sasakyan asking if I'm okay kasi lunch time na.

Him: Ate, kanina ka pa jan ah. Matagal ka pa ba?
(I thought may pagpapark-in sya kaya sya nagtatanong)

Me: Hindi ko nga alam e. Di pa kasi tapos sila Mama sa loob. Kumain ka na? Ba't nasa labas ka? Bawal ang bata diba?
Him: Opo Ate. Nakisubo ako sa mga guard, katatapos lang. Dito lang talaga ako sa parking. Ikaw di ka pa ba kakain?

Me: Hintayin ko na sila Mama. Wala pala kasi akong dalang wallet.
Him: Edi gutom ka na niyan? Ano bang gusto mong kainin may canteen naman dito bilhan kita.
Me: Wag na. Okay lang ako. Hintayin ko nalang sila baka patapos na yun.
Him: May bente ka ba jan? (Akala ko nanghihingi)
Me: Puro coins lang to e, wala akong wallet talaga. Sorry.
Him: Ehhh? Magugutom ka niyan sana dumating na kasama mo.

Tumango nalang ako. Then umalis na rin sya.

12:30 nasa gilid nanaman sya at kumakatok.

Him: Ate oh. Turon. Binilhan kita. Di ka kasi nagbigay ng bente e. Para sana kanin nalang bibilhin ko, 20 lang naman ulam pwede na.

Pinipilit ko na sya nalang yung kumain ng turon kasi nakisubo lang sya sa mga guard na nag-aalaga sa kanya. Pero yung 10 pesos na inabot ko earlier pinangbili nya pa ng turon kasi gutom na daw ako.


I'm so touched. ๐Ÿฅบ May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay ❤ This made me realize even more na I'm really blessed and should be thankful kasi nasa maayos akong kalagayan. And for that, I should also have the capacity na makatulong in my own little ways. Kung sya, kaya niya. So why can't I? Why can't we?

Ps. Nakamask po ako. Sya din po nakamask pero dahil di ko binababa ng buo yung window, tinanggal niya dahil di kami magkaintindihan.

Update: Nakakain na po kami ๐Ÿ˜ Nakahingi na po akong pera pambili ng pagkain at kaunting pang-abot sa kanya๐Ÿ˜… . Pamangkin po pala sya ng isang guard at ang pangalan niya po ay Joshua. ๐Ÿ’–

No comments