any

PANOORIN! | Willie Revillame, Nag-Donate ng 5 Milyong Piso para sa mga Jeepney Drivers



Nag-donate si Willie Revillame ng P5M para sa mga jeepney drivers na labis na naapektuhan ng lockdown dahil sa Pandemya.


Magbibigay ng personal na donasyon si Willie Revillame na nagkakahalagang P5 milyon para sa mga jeepney driver na apektado ng lockdown dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bukod dito, mamamahagi rin siya ng tig-P100,000 sa bawat kaanak na naiwan ng mga nasawing overseas Filipino worker (OFW) sa nangyaring malaking pagsabog sa Beirut, Lebanon.

“Sa sarili kong pinag-ipunan, dahil ako naman po ay may trabaho ngayon at siyempre napakahirap. Gusto kong tumulong una doon sa mga jeepney drivers. Sa tingin ko ito ang mga unang nangangailangan,” saad ng premyadong TV host na naging paunahin sa Laging Handa press briefing nitong Biyernes.


Dahil halos limang buwan nang tigil-pasada ang maraming tsuper, dumating na sa puntong namamalimos sila sa lansangan para may pantustos sa pang-araw araw na pangangailangan.

“I am willing to give, hindi naman ito pagmamayabang, ito lang ang puwede kong maitulong sa gobyerno. Ang balak ko ho ay magbigay ng P5 million ngayon, sa araw na ito, at handa ako na ibigay sa jeepney drivers na talagang namamalimos na,”- ani ni Revillame.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itu-turnover niya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Department of Transportation (DOTr) ang ayudang ipinagkaloob ng “Wowowin” host.


Samantala, tatanggap din ng tulong-pinansyal mula sa Kapuso celebrity ang pamilya ng mga OFW na namatay sa massive explosion sa kabisera ng Lebanon noong Martes, Agosto 4.

“Nabasa ko yung nangyari sa Beirut. Para pag tutulong, lubus-lubusin mo na, yung apat na pamilya po na naulila, I’m willing to give P100,000 each sa mga kababayan natin,”- ayon kay Revillame.

Nakatakda namang ibigay sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang naturang donasyon, anang Roque.

Ginanap sa Wil Tower ang media briefing ng Laging Handa matapos ma-isolate ang New Executive Building dahil nagpositibo sa COVID-19m ang ilang empleyado ng MalacaƱang.


No comments