any

PANOORIN! | Walong Buwang Sanggol, Inihulog mula sa Pangalawang Palapag



Isang walong buwang gulang na sanggol ang inihulog umano mula sa pangalawang palapag ng isang bahay sa Bagong Silangan, Quezon City.


Nung mahulog ang sanggol sa bakanteng lote ay narinig pa ng isang guwardiya na umiiyak ito at bago nila matagpuan ang sanggol ay wala na itong buhay.

Hinihinalang inihulog ito ng kanyang mga magulang na magka-line-in partner, iniimbestigahan pa ang pangyayari.



Dinala ng mga Pulis sa Quezon City Police District Station 6 ang dalawa dahil sila lang umano ang pinaghihinalaang may kagagawan sa naturang krimen.

Isinugod sa ospital ang babae dahil dinugo umano ito habang nasa istasyon ng Pulis, at hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga suspek sa nangyari.

No comments