any

PANOORIN! | Senador Bong Revilla, Nasasaktan sa mga Taong Humihiling na Mamatay na umano sya



Aminado umano si Senator Ramon "Bong" Revilla na nasasaktan sya sa mga taong humihiling na sana ay mamatay na sya dahil kasalukuyan itong nagpapagaling sa sakit na C0VID-19.

"Minsan po nakakalungkot. 'Yung ibang tao imbes na i-wish ka na gumaling ka, may nagwi-wish pa na mamatay ka na. Nakakalungkot. Pero ganunpaman, sa akin, pinapatawad ko sila 'di nila alam ang ginagawa nila,"- saad ng Senador.



Ayon sa Senador ay Mahal nya pa rin ang mga taong humihiling na mamatay na sya ngunit alam daw umano nya na mas maraming tao ang nagdadasal na gumaling sya sa sakit nyang C0VID-19.

"Mahal ko pa rin kayo kahit winish ninyo ako ng ganun dahil alam ko naman mas maraming tao ang nagdadasal para sa aking mabilis na paggaling,''- dagdag pa nito


Matatandaang isinugod sa ospital si Senador Bong Revilla dahil sa matinding ubo at hirap sa paghinga dahil sa sakit na C0VID-19.

Nagpa-alala din ang Senador sa mga nagkakaroon ng sintomas ng C0VID ay i-isolate na ang sarili para hindi na mahawa ang kanilang Pamilya.

"Kung mahal ninyo po ang pamilya ninyo, kung pupuwede ay humanap na po kayo agad ng lugar na puwede ninyong puntahan na mai-isolate ang sarili ninyo,"- sabi ni Sen. Bong Revilla


No comments