any

PANOORIN! | Pinakamahal na Facemask, Nagkakahalaga ng P73.2M



Ito na umano ang pinakamahal na Facemask sa buong mundo ng nagkakahalaga ng $1.5 Million o P73.2 Million.



Tila kailangan munang maka-jackpot sa Lotto para mabili ang binansagang pinakamahal na face mask ngayon sa buong mundo. Ang halaga kasi ng produkto, pumapalo ng $1.5 milyon o katumbas ng higit P73.2 milyon.

Batay sa ulat ng Reuters, kinontrata ng hindi pinangalanang Chinese businessman ang isang Israeli jeweler upang maipagawa ang magarbong face mask na mayroong 3,600 diamonds at 18-karat gold.



Bukod dito, nilagyan din ng N99 filter ang pambihirang face mask.

Nagtulong-tulong ang hindi bababa sa 25 katao upang tuluyang matapos ang pasadyang face protector.



“The gentleman is a Chinese that we know from years ago. He lives in the United States, he is a young old customer of ours,” pahayag ni Isaac Levy, may-ari ng Yvel Jewelry brand.

Inilarawan niya ang bonggang face mask na “very charming, very outgoing, very wealthy and he likes to stand out so I guess this is one of his ways of doing that.”



“I am happy that this mask gave us enough work for our employees to be able to provide their jobs in very challenging times like these times right now,” dagdag ni Levy.

No comments