any

PANOORIN! | OFW sa Hong Kong, Pumanaw matapos Mabagok ang Ulo sa Banyo


Isang OFW sa Hong Kong ang pumanaw sa ospital dahil nawalan umano ito ng malay at nabagok ang ulo sa banyo.

Kinilala ang nasawing overseas Filipino worker na si Estrella Dofredo na taga Ilocos Sur na nagtatrabaho sa Hong Kong.

Mahigit 20-taon na umanong nagtatrabaho si Estrella sa Hong Kong at nang mag-day-off siya nitong linggo ay nagtungo sya sa Plaza at habang nasa banyo sya ay nawalan sya ng malay at nabagok ang kanyang ulo.

Agad namang isinugod sa ospital si Estrella ngunit binawian din ito ng buhay matapos matapos ng apat na araw sa ospital.

Nagkaroon umano ng matinding pagdurugo sa utak ni Estrella dulot ng kanyang pagkabagok at ayon sa pamilya nito ay mayroon ng sakit si Estrella na Brain Aneurysm.

Hiling umano ng kaanak ni Estrella na matulungan silang maiuwi ang labi nito agad dito sa bansa.

"Pursuant to Republic Act No. 11400 o yung tinatawag nating Bayanihan To Heal As One Act, valid pa yung kaniyang OWWA membership. AS to the social benefits, may makukuha ang kaniyang pamilya depende kung ano ang ikinamatay niya," - Ayon sa Head ng Welfare Assitance Unit ng OWWA-Region 1 na si Loreta Vergara.

Ngunit dahil sa kumakalat na pandemya ay baka abutin umano ng isang buwan bago maiuwi sa bansa ang labi ni Estrella ayon sa OWWA.



Source: GMA

No comments