any

PANOORIN! | Lola, Pinagtabuyan at Inihagis ang mga Gamit nito sa labas


Isang kawawang matandang babae ang pinalayas at pinagtabuyan sa kanyang tinitirahan, at pinaghahagis pa ang mga gamit nito sa labas


Ayon sa isang Facebook page na nag-upload ng video mapapanood dito ang kaawa-awang Lola na pinapalayas sa kanyang tinutuluyan at tinatapon ang mga gamit niya sa labas. Ang nasabing video ay may caption na :

“Grabe naman sila kung palayasin si Lola. Makatao bang ihagis ang mga gamit at pagtabuyan ang pobreng matanda. Kayo na ang humusga kabayan”.




Makikita agad sa simula ng video na nagaayos ang nakakaawang Lola ng kaniyang gamit sa labas ng bahay matapos itapon sa labas ang mga ito. Maya-maya lamang habang siya ay nag-aayos ay makikita ang isang babae na nakatapis ng tuwalya habang ibinabato ang mga gamit ni Lola sa labas habang sinisigawan ito. Si Lola ay tahimik lamang na nagaayos ng mga gamit niya na itinapon ng babae.

Hindi naman nakapagpigil ang kumukuha ng video at sinabihan nito ang babae na nag papalayas kay Lola:

“Pakita ka kasi ng titulo mo. Hindi yung puro ka Kuda!, Antayin mo na lang yung desisyon ng korte. Hindi yung puro ka kuda!”.




Ayon pa sa kumukuha ng video hindi daw niya talaga mapipigilan magsalita ng masasakit dahil sa awa sa matanda. Dahil hindi makatao ang ginagawa pagpapalayas kay Lola

“Oo nakiki-tira. Ilang taon yan nagsilbi sa inyo, Pinapasweldo niyo ba?!” Dagdag pa ng kumukuha ng video

Hindi naman natinag ang babae na nagpapalayas kay Lola tuloy lamang ito sa kakasigaw sa matanda na hindi masyado marinig ng maayos ang pinagsasabi sa video. Tuloy lang naman ang kumukuha ng video sa pagtatanggol kay Lola. ayon sa kanya daig pa daw ng babae na nagpapalayas na siya daw ang tunay na mayari e katunayan daw ay wala pa itong titulo at parepareho lang naman daw silang squater sa lugar na yon.



Paghaghamon pa ng kumukuha ng video sa nagpapalayas kay Lola: “HIndi kayo naawa sa tao! Hinahamon ko kayo maglabas kayo ng titulo!”.

Mapapanood sa huling bahagi ng video na galit na galit ang kumukuha ng video sa angpapalayas kay Lola hindi niya na napigilan ang kanyang damdamin at nakapagmura at sinabihan ang mga ito na ang kakapal ng mukha sa pagpapalayas sa matandang babae.

No comments