PANOORIN! | Jeepney Driver, Napaiyak na lang ng Tanungin kung Nakakuha ba sila ng Ayuda
Napaiyak na lang ang isang Jeepney Driver ng tanungin kung nakakuha ba sila ng SAP, dahil sa dalawang tranche ay kahit isa di sya nakatanggap.
Hindi pa umano nakakatanggap ng ayuda ang marami sa mga jeepney drivers dahil pinagpasa-pasahan daw umano sila ng DSWD at LTFRB.
Ang hindi daw nila umano maintindihan kung bakit wala man lang tumutugon sa mga hinaing nila.
"Sa DSWD maam, wala na kaming pag-asa kasi umaasa kami sa LTFRB dahil nung pumunta kami ng DSWD. Ang sabi sa akin, wala sa kanila nasa LTFRB. Ang sabi naman ng LTFRB, ipinasa na nila sa DSWD. Parang pinagpasapasahan ho kami"- ayon sa isang Jeepney Driver.
Ang nais na lang sana nila ay makabalik na lang sa pamamasada dahil wala naman umanong tumutugon sa kanilang mga pangangailangan, ngunit hindi naman sila pinapayagan dahil bumalik umano sa MECQ kaya paano na lang saw umano sila.
Kaya ilan sa kanila ay nagsabit na lang ng plakard sa kanilang katawan at namamalimos na lang sa mga dumadaan na sasakyan dahil wala umano silang pinagkakakitaan.
Mula nung nagsimula ang lockdown ay wala na silang pinagkakakitaan at ang ayudang inaasahan nila ay hindi pa nila alam kung kailan sila makakatanggap o kung makakatanggap pa ba.
No comments