any

PANOORIN! | Dating Asawa ni Jhon Regala, Napahanga si Idol Raffy Tulfo


Nagka-usap sa progarama ni Idol Raffy Tulfo ang dating mag-asawa na si John Regala at Aurina "Au-Au" Hunt, para maka-usap din ng aktor ang kanyang anak dito.



Ayon sa interview ni Idol Raffy kay Aurina ay matagal na pala nitong tinutulungan ang kanyang dating asawa, binigyan pa umano nito ng yaya si John Regala para kahit papaano ay may nag-aalaga dito at may komunikasyon sya dito para makamusta kung ano ang lagay nito.

Nagpapadala rin ito ng pera para umano sa panggastos ng Aktor, gusto man daw nito umuwi at isama ang kanialng anak para makita ng aktor ay hindi pa pwede dahil sa kumakalat na pandemya.



"Tatagan mo lang ang loob mo, sabi ko sayo kanina andito lang ako at tsaka po open ang komunikasyon namin kaya ko po dinala ang aking yaya na para mag-alaga sa kanya at para po magkaroon kami ng komunikasyon at saka maalagaan po ng yaya ko, at ako ang nagpapasweldo sa yaya ko para tignan si John, at mahirap po kasi eh, mahirap kasi sito sa America dito po ako, wala akong magawa at tsaka yung anak ko di makauwi kasi po COVID. Mahal na mahal kita John, kahit na anong mangyari andito pa rin ako magpalakas kang mabuti, kayang kaya mo yan magdasal ka lagi kay Mommy Ruby tsaka pagdadasal kita dito lang ako lagi sa tabi mo, Okay. Antayin mo lang yung anak mo."- saad ni Au-Au.

Ayon pa kay Aurina ay gusto umanong maka-usap ng anak nya si John Regala ng private at pagnagkausap na sila ay handa na umanong humarap sa media ang kanilang anak.

Ayon naman kay Idol Raffy ay mabait ang dating asawa ni John Regala dahil binigyan umano ito ng yaya para maalagaan ito ng maayos.



" Sir. John, eh napakabait pala ni ma'am Au-Au kita mo kinuhanan ka ng taong mag-aalaga sayo, ayan na nga si ma'am Bem"- saad ni Idol Raffy

Magpapalakas din ang aktor para makapunta sya ng America at makapiling ang anak nya doon.


"Magpapalakas po ako, gagawin ko po lahat para makarating po ako ng america"- saad ng aktor

1 comment:

  1. ...Isa na po ang papa ko sa umiyak dahil po sa kalagayan nyo ngayon...pero salute po kay maam au au na tinutulungan ka pa rin po sa lahat ng oras...pagaling ka po idol
    Kaya moe po yan,pagsubok lang po yan...maam au au godbless po at kay maam bem godbless po ...

    ReplyDelete