any

PANOORIN! | Dalawang Babae sa Bus, Nagkagirian dahil Umano sa Masamang Tingin



Dalawang babae ang nag-away at nagduruan sa loob ng bus dahil daw umano sa masamang tingin ng isa sa kanila.

Makikita sa video na nag-gigirian ang dalawang babae na magkatabi sa loob bus matapos daw umanong tumingin ng masama ang nasa kanang babae kaya iyon ang ikinakagalit ng isa pang babae.

"Kung makatingin ka para kan lalamon ng buhay na tao"- sabi ng nasa Kaliwang babae.


Sa init ng ulo ng dalawang babae ay nagmurahan sila at nagduruan ng hintuturo sa isat-isa at parehas umanong naghahamon ng away at nagbanta pa ang isang babae na lalapat umano ang kanyang kamay sa mukha ng isa pang babae.

"Lalapat ang kamay ko sa mukha mo"- dagdag pa ng babae.


Pinapatigil na ng Driver at kundoktor ang dalawang babae ngunit parehas na matapang at di papa-awat at wala pa ring tigil sa murahan ang mga ito.

Wala parin umanong nagpapatalo sa dalawang babae at patuloy silang nagmumurahan at nagduduruan at animo'y magkakasakitan na.

Sa panahon ngayon na may pandemya, alam nating problemado halos lahat ng tao ngunit wag nating idaan lahat sa init ng ulo dahil wala itong mabuting maidudulot na maganda sa atin.


No comments