any

PANOORIN! | Binatilyong Nakipag-Party, Nag-Positibo sa COVID-19 at Nahawa ang Pamilya



Isang binata ang nakipag-party sa mga kaibigan ang nag-Positibo sa COVID-19 at nahawaan nito ang kanyang buong pamilya.

Ayon sa stepmother ng binata na si Michelle Zymet, matagal na umano nilang napagdisisyunan na hindi lalabas ang binatilyo dahil sa kumakalat na pandemya ngunit hindi nagpapigil ang binatilyo at hanggang sa makalabas ito.


Malaki kasi ang tyansa na mahawa ang ama nito na si John Place dahil diabetic ito at overweight.

Kaya naman pinipigilan talaga nilang lumabas ang kanilang anak dahil baka mahawa at magdala ito ng virus sa kanilang bahay.


Dahil sa katigasan ng ulo ng binatilyo ay lumabas ito at nakipag-party sa mga kaibigan. At makailang araw ay nakaramdam ng sintomas ang binatilyo.

“They don't necessarily listen. It could be peer pressure, Maybe they think, `None of us are sick. We are fine.' They don't understand many of us are asymptomatic and are positive carriers of the virus,” pahayag pa ni Michelle.


Hanggang sa isa isa nang nahawa ang kanyang mga kapatid maging ang mga magulang. Dahil dito, lahat sila ay na-ospital lalo na ang ama na nalagak pa sa intensive care unit. Magsilbing aral daw ito lalo na sa mga kabataan na hindi dapat binabalewala ang bagsik ng COVID-19.

No comments