any

PANOORIN! | Babaeng Naglalakad, Biglang Sinugod at Nilapa ng Aso dahil Naiwan ng May-Ari na Nakabukas ang Gate



Isang babae na naglalakad ang biglang sinugod ng aso dahil naiwang naka-bukas ang gate ng may-ari.

Makikita sa video ang isang babae na naglalakad at ng nasa tapat na sya ng isang gate na nakabukas ay may lumabas na aso at agad syang pinag-kakagat sa paa.

May dumaan pang sasakyan na kulay puti na animo'y nakatingin lang sa babae habang kinakagat ng aso dahil din umano baka sila naman ang kagatin nito.


Di pa umano tinigilan ng aso ang pag-kagat sa babae, hanggang makita ng isang lalaki na nakasilip sa kanilang gate ang nangyayari sa babae, at agad nitong kinuha ang susi ng kanyang saksakyan.

Nang lumabas na ang lalaki na naka-kotse ay pinalayo nya ang aso sa babae, pag-atras ng sasakyan ay tila babalikan pa ang babae ngunit agad naman hinarang ng lalaki ang kanyang sasakyan at hinabol ito papalayo.


Pinapasok ng lalaki ang babae sa kanilang gate upang di na ulit mahabol at makagat ng aso.

Matagal ding pinag-kakagat ang babae bago tuluyang mailayo ang aso.



No comments