any

PANOORIN! | Babae, Biglang Niyakap ang isang Taong Grasa na Nakita nya sa Daan


Isang babae ang bigla na lang niyakap ang taong grasa na kanyang nakasalubong sa kalye habang papasok ito sa kanyang trabaho.

Nagulat ang mga netizen na bigla na lang yakapin ng isang babae ang taong grasa na nakasalubong nito at bigla ding humagulgol sa pag-iyak.

Napag-alaman na kapatid pala ng babae ang taong grasa na kanyang niyakap, ayon sa babae ay limang taon na nilang hinahanap ang kanyang kuya at nagulat sya na makikita nya pala ito habang papasok sya sa kanyang trabaho.


Ilang beses pang sinulyapan ng babae ang taong grasang katabi nila at talagang nagulat sya at bigla nitong niyakap at sabaya sabing "Kuya naalala mo pa ba ako?", Hindi maawat sa pag-iyak ang babae habang yakap nya ang kanyang kapatid.

Makalipas ang ilang sandali ay agad ng tumawag ang babae sa kanilang ina upang sabihin na nakita nya na ang kanyang kuya na matagal ng nawawala.

"Nay, nakita ko na po si Kuya. Hindi na po ako papasok, iuuwi ko na sya dyan"- saad ng babae sa kanyang Ina.

Ito ang Post ni Ric Oliver sa kanyang FB account,


Share ko lng po ung experience nmin sa latagan kagabi.
Isang lalaki n taong grasa po ang biglang umupo sa aming tabi, nakaupo lang, nakatulala. Pagkalipas ng ilang oras my babaeng dumaan, tila papasok plng sa work, bigla syang napalingon kung saan nakaupo si kuyang taong grasa, nagulat kami sa sunod na pangyayari.


Nilapitan nung babae si kuya, niyakap at sabay sabing " kuya naaalala mu pa ba ako?" Umiiyak si ate at panay ang yakap nia sa lalaki. Narinig ko my kausap si ate sa cp, sabi nia hbang umiiyak "nay, nakita ko napo si kuya, hindi npo ako papasok, iuuwi ko n sya jan" umiiyak na rin ung lalaki.


As per ate, 5years na plng nawawala ung kuya nia, at sa batangas pa ito nawala, kung ano man ang detalye kung bkit nwala at kung ano ngyari ay hindi na namin naitanong pa, mas pinili namin na ibigay n sa kanila yung oras nila.

Kaya q po sana i sshare ang munting video n nkuha q po sa knila,ay para magsilbing inspirasyon po sana sa iba,kung sakali po na mayroon po sila minamahal sa buhay na nawalay po sa knila,wag po sana taung mawalan ng pag asa at tiwala sa panginoon na balang araw ay mkksama po nten sila ulet.


No comments