any

PANOORIN! | 20-Anyos na Dalaga, Pumanaw matapos Tanggihan ng 5 Ospital



Isang 20-anyos na babae ang pumanaw dahil tinanggihan umano ng limang ospital kaya di man lang nalaman kung ano ang dahilan ng pananakit ng tyan ng dalaga.


Ayon sa tiyuhin ng dalaga na si Danilo Ewican, kahit isang ospital lang umano ang tumanggap sa kanila sa lima nilang pinuntahan ay buhay pa sana ang kanyang pamangkin.
- saad ng tiyuhin ng dalaga.

Ayon pa kay Danilo, martes ng isugod nila sa mga ospital ang dalaga dahil sa pananakit ng tyan ngunit sa kasamaang palad ay ni-isa sa limang ospital na pinuntahan nila ay walang tumanggap sa kanila.


Ang lagi daw umanong sinasabi ng ospital ng kanilang pinupuntahan ay baka mahawa sila ng COVID-19 kaya di umano sila tinanggap ng mga ito.

Di kalaunan ay umuwi na lang sila daw pagod na daw umano ang dalaga sa paghahanap ng ospital na titingin sa kanya at kinabuksan nun ay lalong sumakit ang tyan ng dalaga at sa pagkakataong iyon ay nawalan na ng malay ang dalaga.

Dahil sa nangyari ay mas nais pa ng kamag-anak ng dalaga na COVID-19 na lang sana umano ang naging sakit ng kanilang pamangkin, para kahit papa-ano ay naasikaso pa ito ng mga ospital.


"Sabihin nila palagi na puno kami ng COVID,naiintindihan namin maam COVID. Sana nga COVID na lang ang pamangkin ko diba, baka siguro tanggapin"- saad ng tiyahin ng dalaga.

Ayon naman sa Unihealth ParaƱaque Hospital kung saan huling dinala ang dalaga, wala daw umano silang tinatanggihang pasyente, kaya iimbestigahan daw umano nila ang insidenteng ito.

"Hindi po kami tumatanggi mam, sa totoo lang mam kahit positive yan o hindi, inaaisolate po namin yung covid namin. Mam sa totoo lang walang araw na di kami puno sa ER. Walang araw....ang line up namin mahigit 100"- saad ng pamunuan ng Unihealth ParaƱaque.


Hiling na lang umano ng mga kamag-anak ng dalaga ay wag ng maulit sa iba ang nangyari sa kanilang pamangkin.

No comments