PANOORIN! | 19-Anyos na Lalaki, Binawian ng Buhay matapos Atakihin sa Puso Habang Naglalaro ng Online Games
Nasawi ang isang 19-anyos na lalaki matapos itong atakihin sa puso habang naglalaro ng online games sa San Fabian, Pangasinan.
Kinilala ang biktimang si Erwin Biasura na naglalaro ng online games sa isang computer shop sa kanilang lugar.
Ayon sa kaniyang Ama na si Samuel Biasura, bigla na lang umanong natumba ang anak niya habang naglalaro.
Agad itong dinala sa ospital ngunit di na umabot ng buhay.
"Pinuntahan ko dito, wala nang pulso kasi. Ginawa ko rin 'yung magagawa ko, [hinihilot] ko 'yung puso niya para bumalik 'yung ano niya, wala na," - sabi ni Mang Samuel.
Ayon pa kay Tatay Samuel ay lagi umanong puyat ang kanyang anak dahil sa paglalaro ng Online games at may sakit din ito sa puso at nagme-maintenance na gamot.
"Siguro na-excited siya sa laro, pero kasama na rin 'yung puyat tsaka 'yung pagod, dito kasi mainit kasi nasira 'yung electric fan,"- dagdag pa ni Tatay Samuel.
Ayon sa health officer ay maaaring magdulot ng heart attack ang puyat, pagod at sobrang emosyon.
"Bibilis 'yung heart rate mo. Dapat iwasan mo 'yung mga activity na nakakapagod at nakaka-excite,"- saad ng Doktor.
Kawwa nmn po ambata pa nya 19 anyus lng sumsalangit nwa kaluluwa nya amen
ReplyDelete