Pangulong Rodrigo Duterte, Nagpapabuo ng Task Force na Mag-Iimbestiga ng mga Anomalya sa PhilHealth
Nagpapabuo ng Task Force si Pangulong Rodrigo Duterte para imbestigihan ang mga anomalyang nagaganap sa PhilHealth.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang task force ay pamumunuan ng DOJ, kasama ang Office of the Ombudsman, Commission on Audit (COA), Civil Service Commission (CSC), Office of the Executive Secretary, Office of the Special Assistant to the President at ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Kasabay nito, pinaplantsa na ng DOJ ang pagbuo ng panel o task force na tututok sa imbestigasyon sa anomalya sa PhilHealth.
Ito ang kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa natanggap niyang memorandum order mula sa Office of the President na nag-uutos ng imbestigasyon sa PhilHealth.
Ayon kay Sec. Guevarra, isang high-level na task force ang agad nilang bubuuin para masimulan na ang preliminary work sa isyu.

No comments