any

Pangulong Duterte sa mga corrupt officials ng PhilHealth “Yayariin ko kayo!”


“Huwag kayong magkakamali, itong PhilHealth. Sabi ko, yayariin ko kayo. Maniwala kayo. Yung mga inosente naman wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working,” said Duterte.
“Pero ‘yung mga ito, kung nakalusot kayo sa ibang President o dito sa akin, sadsad talaga kayo, maniwala talaga kayo and with the help of cabinet members ko,”

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na hahabulin niya ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian.

Sa kaniyang public address, titiyakin ni Pangulong Duterte na mapapanagot ang mga dawit na opisyal.

Aniya, wala siyang sasantuhin pagdating sa korapsyon.

Pinayuhan din ng Pangulo ang mga inosenteng empleyado ng PhilHealth na patuloy lang gawin ang kanilang trabaho at huwag mag-alala sa harap ng anti-corruption campaign ng pamahalaan.
Nabatid na iniimbestigahan si PhilHealth Chief Ricardo Morales at iba pang opisyal hinggil sa umano’y pagkakasangkot nila sa maanomalyang transaksyon, kabilang ang overpriced computers at iba pang kagamitan.

Mariing itinanggi ng PhilHealth ang alegasyon at sinusubukan lamang ng ilang “corrupt officials” na siraan ang modernization program ng ahensya.

Ang Pangulo ay inatasan ang Department of Justice (DOJ) na bumuo ng task group na mag-iimbestiga sa mga iregularidad sa PhilHealth at nakatutok sa pagsasagawa ng audit sa finances ng ahensya at lifestyle checks ng mga opisyal at empleyado nito.

No comments