any

Pangulong Duterte, Malapit nang umabot sa Stage One cancer ang kaniyang Barret’s Disease



Ibinunyag ni Pangulong Duterte na malapit nang umabot sa stage one cancer ang kaniyang Barret’s disease

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabihan siya ng kaniyang doktor na malapit nang umabot sa stage one cancer ang kaniyang Barret’s disease.



Ang Barret’s esophagus ay isang kumplikasyon ng gastroesophageal reflux disease (GERD) kung saan napipinsala ang esophagus dahil sa acid mula sa stomach o tiyan at maaari itong mauwi sa esophageal cancer.

Sa kaniyang televised address, pinayuhan na siya na magbawas ng pag-inom ng alak at pinahihinay sa kinakain para maiwasan ang paglala ng sakit.




Si Pangulong Duterte ay nananatili sa kaniyang bahay sa Davao City at itinanggi niya ang mga kumakalat na ulat na lumipad siya patungong Singapore para magpagamot.

Una nang tiniyak ng Malacañang na nananatiling malusog at matibay ang Pangulo.

2 comments:

  1. tigilan na nio ang pangulo sa pagpapakalat ng fakenews😭

    ReplyDelete
  2. Halimbawa ngang totoo nagpapagamot ang presidente bkit wala ba syang karapatan magpagamot ???mabuti nga yun ng maagapan hihintayin pa bang lumala dpat sa mga taong mapang husga sa inyo kaya mangyari din yun minsan ang sobrang stressed ang nkakapag bigay ng mga sakit kulang sa pahinga tpos ang karamihan mga tao wala pang utang na loob.😠😠😠

    ReplyDelete