Pamilya ng Pumanaw na Sekyu dahil sa Pambubugbog ng mga Tauhan ng Isang Mayor, Humihingi ng Hustisya
Isang Security Guard ang binugbog ng mga tauhan umano ng Mayor ng Lamitan City,Basilan hanggang mawalan ng malay at naisugod pa sa ospital ngunit binawian din ito ng buhay.
Binugbog umano si Tatay Celso Cane na taga barangay Maloong Jose ng mga tauhan umano ng Mayor dahil naligo ang mga kaibigan nito sa isang beach doon at ng humingi ng paumanhin ang sekyu ay agad nila itong binugbog.
Ayon sa findings ng ikinamatay ni Tatay Celso ay Severe Brain injury secondary to Mauling, dahil umano sa matinding bugbog na kanyang tinamo.
Habang binubugbog ang sekyu ng mga tauhan ng Mayor ay nagsisigaw ang anak nito at sinigawan pa ng isang lalaki na kunin ang baril nila.
Makalipas ang limang araw ay bumalik sila sa naturang Police Station upang ipahuli na ang mga pumatay kay Tatay Celso, ngunit di pala ito binook ng Pulis dahil wala umanong record na nag-blotter sila. Kaya pala di umano inasikaso ng Pulis na kanilang nakaharap ay kamag-anak pala ito ng Mayor.
Ngayon ay wala pa ring hustisya ang pagkamatay ni Tatay Celso, Kaya humihingi ng tulong ang Pamilya ng Biktima upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang Padre de Pamilya.
August 9 ng hapon,sunday,family day, binugbog at pinatay ng security guards ng Mag asawang mayor Rosita furigay Vice Mayor Roderick Furigay ng Lamitan City,Basilan si tatay Celso Cane taga barangay Maloong Jose. Walang pakundangan ginulpi hanggang bumulagta at nawalan ng ulirat. Dinala sa ospital pero wala pang 24 oras binawian ng buhay, ang findings ay Severe Brain injury secondary to Mauling. Dumugo rin ang tenga ng biktima dahil sa tinamong tama sa ulo.
Nagsusumigaw ang anak na babae para tulungan ang kanyang tatay na wala ng malay pero sumigaw pa diumano ang mga tauhan ni Mayor Furigay na “Tauhan kame ni Mayor, kunin yung baril natin!”. Kaya nagtakbuhan ang mga tao.
Nagsimula diumano ang away ng sitahin ng mga tauhan ng mayor ang mga naliligo na naka swimming trunks sa beach dahil bawal daw, lumapit ang biktima para ihingi ng paumanhin ang mga nakaswimming trunks na kanyang mga kasama, at dun na nagumpisang bugbugin. Ang mga tauhan ni mayor ay hindi deputized manita sa area na yun. Hindi sila barangay kagawad, cvo, or bpat. Mga sekyu lang sila na andun lang sa parehong dahilan na andun ang pamilya ni mang celso, para mag enjoy sa araw ng linggo.
Humihingi ang pamilya Cane ng hustiya lalo na may naulilang menor de edad at magisa lamang si tatay na nagttrabaho bilang factory worker at kumukita lang ng 200 pesos isang araw (6k a month).
Pagkamatay ng biktima ay agad na nagtungo ang ang asawa at anak ng biktima sa Lamitan Police station para ipahuli at ipablotter ang nangyari, si Chief of Police Dennis Sirilan at Investigator Telen ang kanilang nakausap.
Buong akala ng asawa ng biktima at ng anak ay nakablotter na ang nangyari at huhulihin ang mga nakapatay dahil hindi naman ito mahirap hanapin dahil sila ay stay in sa mayor, hindi pala ito ibinook-in ng chief of police sa hindi maintidihang dahilan, nalaman na lamang nila ito makalipas ang limang araw ng kukunin nila ang police report saka lang sila sinabihan na hindi ito nabook-in.
Isang aktibong krimen at may namatay, pero hindi binook in, hindi ba nakakapagtaka ang lapses na ito sa parte ng Chief of police lalo na at siya ang nakausap ng asawat anak ng biktima. Si chief of police Dennis Sirilan ay pinsan ng Lamitan city mayor Furigay. Conflict of interest?
Hanggang ngayon ay patuloy na naninilbihan bilang close in body guard ng mayor at vice mayor Furigay ang pumatay kay Tatay Celso Cane. Palakad lakad sa bayan at hindi hinuhuli ng chief of police.
Lumapit din ang pamilya sa City health office para humingi ng autopsy o kahit medicolegal findings lamang pero tumanggi ang CHO na mag issue ng kahit ano dahil sila raw ay isang health center lamang.
Ililibing na ang labi ng biktima sa linggo pero hanggang ngayon ay walang autopsy dahil hindi sila inasikaso ng city health office.
Ang nakapatay ay mga tauhan ng mayor ng Lamitan, ang chief of police ay pinsan ng mayor, isang mahirap na pamilya ang biktima, makakamit ba nila ang hustisya?
Pinoproblema pa ng ina ng tahanan ang kakainin nila dahil tanging si tatay Celso lang ang inaasahan nilang may trabaho.
Gusto sanang lumapit ng pamilya sa Public attorneys office at human rights pero natatakot sila na baka sila ay tambangan sa labas ng kanilang bahay.
Lumapit ang pamilyang ito sa akin at umaasang makahanap ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang mahal na ama.
Ang huling dalawang litrato ay awarding ceremony ng Lamitan city chief of police bilang best police station mula sa kanyang pinsan na Mayora.
Mga kababayan, ano maitutulong natin sa pamilyang ito?
Pakishare na lang hanggang makarating kay Chief PNP General Gamboa ang nangyari dahil malinaw pa sa sikat ng araw na hindi makakamit ng pamilyang ito ang hustisya.
Human rights nasaan na kayo? Mga empleyado ng gobyerno ang pumatay dito. Tirik na tirik ang araw ng mangyari napakaraming witness, bakit hindi mabigyan ng hustisya?
Pakishare na lang po dahil walang wala na ang pamilyang ito. News black out sa isyung ito.
Wala ng halaga ang buhay ng tao dito sa Lamitan, parang manok lang na pinapatay ng tauhan ng mayor pero wala lang, walang hustisya. Duty pa din sila at mahahabang baril ang dala.
Iparating ninyo yan sa DILG sa pamamagitan nang sulat o hanapin ninyo ang kanilang account.search ninyo.
ReplyDeleteMatutulungan kayo niyan o tumawag sa 8888,sa kay pangulong Duterte.8888 lang subukan ninyo.
Iparating ninyo yan sa DILG sa pamamagitan nang sulat o hanapin ninyo ang kanilang account.search ninyo.
ReplyDeleteMatutulungan kayo niyan o tumawag sa 8888,sa kay pangulong Duterte.8888 lang subukan ninyo.
IPA raffy tulfo in action nyu Po pra mabigyan Ng liksyun mga wlang hiyang mga tao Nayan,
ReplyDelete