any

Nakakaawang Lalaki, Nakahiga lang sa Maliit na Karton at Walang Makain


Isang lalaki ang natutulog lang umano sa karton sa ibaba ng LRT at payat na payat ang pangangatawan dahil kulang sa pagkain.

Ayon sa nagpost na si Seña Del Barrio Nicole ay nakita nya ang lalaki sa Taft Avenue sa baba ng LRT station, naawa umano sya dito dahil nauulanan at naarawan umano ang lalaki sa kanyang pwesto gamit lamang ang hinihigaan nitong maliit na karton.




Hindi daw umano makatayo ang lalaki dahil nanghihina ito sa sobrang kapayatan nito dahil hindi umano ito nakakakain ng maayos.

Ang hiling ni Nicole ay matulungan ang lalaking ito para mapatingnan ang kalagayan nito at maiuwi sa kanyang pamilya.



Sinubukan daw kausapin ni Nicole ang lalaki ng bigyan nya ito ng pagkain ngunit hindi nya daw maintindihan dahil hirap daw umano itong magsalita sa sitwasyon nito.





Ito ang kabuuang post ni Seña Del Barrio Nicole,

Nakita lang po namin si Tatay sa Taft Avenue kanina, sa Baba ng LRT EDSA STATION nakakaawa naulanan at narawan sa pwesto niya gamit ang higaang karton😢😢basa pa yung gilid ng damit niya. Hindi makatayo dahil nanghihina gawa ng sobrang payat na siya dahil hindi nakakakain ng maayos "Hoping may tumulong sakanya para mkabalik sa pamilya or mapagtignan ang kalagayan. 🙁🙁 Nung binigyan namin siya ng pagkain tinanong namin pero di namin maintindihan ang sinasabi niya mahina na tlga at hirap magsalita🙁

WMH AE Facemask at Tsinelas💔💔💔

MH AE 😢

GOD BLESS US ALL🙏

Source: FACEBOOK/Seña Del Barrio Nicole

No comments